HIGIT 20 LGU SA PANGASINAN, KINILALA BILANG HIGHLY FUNCTIONAL SA PROTEKSYON NG KABABAIHAN AT KABATAAN

Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region I ang mga lokal na pamahalaan sa Pangasinan na epektibong nagpapatupad ng mga programa at polisiya para sa proteksyon ng kababaihan at kabataan.

Iginawad ng tanggapan ang Highly Functional Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (C/MCAT-VAWC) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan,Dagupan City, Urdaneta City, maging sa mga bayan ng Mangaldan, Mangatarem, San Fabian, Sual, Umingan, Urbiztondo at iba pang bayan.

Ayon sa tanggapan, napatunayan ng nabanggit na lugar ang mahusay na koordinasyon sa iba’t ibang ahensya at sektor upang mapanatiling ligtas at may kalinga ang mga kababaihan at kabataan sa lungsod.

Kabilang dito ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas laban sa karahasan, mga kampanyang pangkamalayan, at serbisyo para sa mga biktima ng pang-aabuso.

Ipinakita naman ng Dagupan City ang aktibong operasyon ng C/MCAT-VAWC, kabilang ang regular na pagpupulong, pagsasanay, at agarang pagtugon sa mga kaso ng karahasan.

Itinuturing na modelo sa pagsulong ng gender equality at child protection ang karamihan sa lokal na pamahalaan sa Pangasinan sa buong rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments