HIGIT 20 LIBO, KUKUHA NG CIVIL SERVICE EXAM SA AGOSTO

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ang Civil Service Commission Region 02 ng nasa 23 libo katao na kukuha ng pagsusulit para sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) Professional at Subprofessional level sa darating na Agosto.

Ang nasabing bilang ay naitala matapos ang itinakdang deadline ng aplikasyon para sa nasabing pagsusulit nitong ika-13 ng Hunyo.

Sinabi ni Regional Director-Atty. Maritess Lappay, ang target lamang ay 21, 410 ngunit lumampas pa dito dahil sa marami ang humabol.


Dahil dito, nanawagan si Atty. Lappay sa mga maaring mag boluntaryo dahil nangangailangan sila ngayon ng karagdagang room examiners at proctors lalo na sa testing centers sa Tuguegarao at Isabela.

Sa kabilang banda, pinayuhan naman ni Lappay ang mga kukuha ng pagsusulit na gawing puspusan ang pagrereview upang makuha ang 80% na passing rate.

Facebook Comments