HIGIT 20 MIYEMBRO NG IP SA DINAPIGUE, BINIGYAN NG LIVELIHOOD KITS

Nasa mahigit 20 miyembro ng Indigenous Peoples sa Dinapigue, Isabela ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng Livelihood Seeding Program – Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) Program ng Department of Trade and Industry Region 2.

Ginawaran ng DTI Region 2 sa pamamagitan ng DTI Isabela Provincial Office ng bigasan at sari-sari store packages ang pitong IP members at karagdagang furniture packages naman sa labinlimang furniture makers sa pamamagitan ng naturang programa.

Ito ay matapos ang isinagawang Situational Awareness and Knowledge Management Cluster Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (SAKM-RTF ELCAC) 2 Serbisyo Caravan katuwang ang National Commission on Indigenous Peoples, at ang Department of Trade and Industry R2 Isabela kamakailan.

Alinsunod ang aktibidad sa Executive Order (EO) No. 70, series of 2018, na naglalayong tulungan ang mga komunidad na dating apektado ng insurhensya sa pagtatatag ng mga bagong pagkukunan ng kita at ipaalam din sa kanila ang iba’t ibang mga programa at serbisyong inaalok ng mga pambansang ahensya na kanilang maaaring ma-avail.

Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Technical Education and Skills Development Authority Region 2, Department of Agriculture, Department of Labor and Employment Region 2, at Isabela Provincial Social Welfare and Development Office na nagbigay ng mga presentasyon sa kani-kanilang mga programa at mga serbisyo.

Facebook Comments