Higit 20 Ninja Cops, binabantayan ng PNP

Nasa 22 ‘Ninja Cops’ Ang tututukan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Chief, Plice General Oscar Albayalde, babantayan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang mga nasabing pulis na sangkot umano sa pagre-recycle ng mga ilegal na droga sa mga ikinasang Anti-Drug Operations.

Kabilang aniya sa mga ito ang tatlong pulis na may Ranggong Police Lieutenant hanggang general at 19 na may ranggong mula patrolman hanggang Police Executive Master Sergeant.


Matatandaang unang isiniwalat ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang drug recycling sa ilang operasyon ng Law Enforcement Agencies.

Facebook Comments