Higit 20, patay sa pagguho ng isang gusali sa India

*World – Patay ang 22 tao sa pagguho ng 117-year-old building sa Mumbai, India matapos ang dalawang araw na pag-ulan.*
*Ayon sa pulisya, nasa 10 tao rin ang pinaniniwalaang na-trap sa gusali.*
*Sinabi ng mga opisyal sa Mumbai, 35 tao ang nailigtas ng mga rescuers sa debris ng six-storey building kung saan 13 dito ang sugatan.*
*Noong Hulyo, 17 tao rin ang nasawi sa pagguho naman ng isang four-storey building dahil sa suspected unauthorized renovation work.*

Facebook Comments