Wala pa sa kalahati ng kabuuang coverage sa Western Pangasinan ang may kuryente matapos bayuhin ng Bagyong Emong.
Base sa listahan, pinakamaraming barangay sa Bolinao ang nailawan na na nasa 12 mula sa 30 baranga; Dasol na walo ang may kuryente mula sa 18 barangay, Infanta na may pito mula sa 13 barangay, Anda na lima mula sa 18 barangay, Burgos na may apat mula sa 14 na barangay habang tig-dalawang barangay naman sa Bani at Alaminos City ang naisaayos na ang linya ng kuryente.
Nananatiling wala sa 17-barangay ng Agno at 16 barangay ng Mabini ang may kuryente.
Matatandaan na umabot sa Signal No.4 ang itinaas sa Western Pangasinan kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Emong dahil sa lakas ng bugso ng hangin at ulan.
Habang patuloy ang pagsasaayos dito, binubuksan ang ilang establisyimento at pampublikong opisina sa ilang bayan bilang charging station ng mga residente.
Sa kasalukuyan, patuloy ang power restoration sa malking bahagi ng distrito at sinisikap na maibalik na ang suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon.
Nagpadala na rin ng ilang linemen ang ibang electric cooperative sa Ilocos Norte upang tumulong sa pagkukumpuni ng sirang linya ng kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









