CAUAYAN CITY- Hindi bababa sa dalawampung vehicular accidents ang naitala ng Cauayan District Hospital ngayong pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ayon sa impormasyong nakalap ng IFM News Team sa Cauayan District Hospital, mas mataas ang bilang ng mga naaksidente ngayon kumpara sa bilang ng aksidenteng naitala noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga sangkot sa mga aksidente ay mga kalalakihang nasa ilalim ng impluwensya ng nakalalasing na inumin.
Karamihan din sa mga aksidente ay self-imposed accidents dahil sa kawalan ng ingat o disiplina sa kalsada.
Sa kabila nito, walang naitalang nasawi sa mga nadisgrasya at nagtamo lamang ang mga ito ng galos at sugat.
Samantala, ikinagalak din na wala namang naputukan o nasabugan ng paputok sa nasabing hospital.
Bukod dito, tatlong sanggol naman ang ipinanganak sa kasagsagan ng selebrasyon ng Bagong Taon—dalawang babae at isang lalaki—na nagdala ng tuwa sa kani-kanilang pamilya at sa buong ospital.