Batay sa tala ng mga tagapangasiwa ng programa, umabot sa 240 alagang hayop ang nabigyan ng bakuna bilang bahagi ng lokal na hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng rabies sa komunidad.
Inanunsyo rin na may nakatakdang susunod na libreng anti-rabies vaccination sa Enero 16, 2026, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng tanghali, na gaganapin sa Barangay Poblacion.
Ayon sa paalala, tanging mga alagang hayop na tatlong buwan gulang pataas, nasa mabuting kalagayan, at maayos na nakatali o nasa carrier ang tatanggapin para sa pagbabakuna.
Maaari ring magtungo ang mga residente sa tanggapan na nangangasiwa sa programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas-otso ng umaga hanggang alas-onse ng tanghali, para sa karagdagang impormasyon ukol sa iskedyul ng bakunahan sa mga barangay.







