Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang higit 200 bata sa bansa na pinangangambahang tinamaan ng Polio virus.
Sa datos ng ahensya mula Enero hanggang Setyembre 7, nasa 264 na bata ang nagkaroon ng Acid Flaccid Paralyis o biglang panghihina ng katawan mula baywang pababa na isa sa mga epekto ng Polio.
Nasa dalawang bata pa lamang sa bansa ang kinumpirmang may Polio mula Lanao Del Sur at Laguna.
Paglilinaw naman ni Health Usec. Eric Domingo, hindi madaling makuha ang sakit at maiiwasan ito sa pamamagitan ng bakuna at paglilinis ng paligid.
Facebook Comments