Higit 200 COVID-19 Positive, Naitala sa Loob Lamang ng Isang Araw sa Isabela

15

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 219 ang bilang ng naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Mayo 28, 2021, sumipa sa 23,407 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa probinsya kabilang na ang naitalang bagong kaso.


Mayroon namang 138 na bagong gumaling sa sakit na nagdadala naman sa kabuuang bilang na 21,177.

Nakapagtala rin ngayong araw ng lima (5) na bagong nasawi sa COVID-19 na nagdadala naman sa 710 na total deaths.

Sa kasalukuyan, mayroong 1,520 na aktibong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments