Dahil walang magamit na silid-aralan ay uma-attend ang mga estudyante ng San Isidro Elementary School sa Mulanay, Quezon sa cockpit o ang pinaggaganapan ng sambungan.
Ayon kay Mulanay Mayor Aris Aguirre, nasira kasi ang mga classrooms ng naturang paaralan bunsod ng mga nagdaang bagyo at lindol kaya hindi na ito ligtas upang gamitin ng mga estudyante at guro.
Dahil dito, aabot sa higit 200 estudyante mula Grade 1-6 ang naghati-hati sa naturang cockpit upang magsagawa ng in-person classes.
Habang ginagamit ang gitnang bahagi ng arena bilang faculty room ng mga guro.
Malaki itong hamon para sa mga guro dahil sa gumagamit sila ng teknolohiya sa pagtuturo pero dahil sa limitado ang kapasidad ng pasilidad ay back to basic muna sila.
Sa kabila nito, handa pa rin ang ilang estudyante na matuto at mag-aral nang mabuti para sa kanilang kinabukasan.
Nakikipag-ugnayan na ang paaralan sa Department of Education (DepEd) upang matugunan ang kakulangan ng classroom sa kanilang lugar.