Umaabot sa 221 indibidwal na nasasangkot sa iba’t ibang krimen ang naaresto ng Manila Police District (MPD) sa loob ng tatlong araw.
Ito’y sa ikinasa nilang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa pamamagitan ng 14 na istasyon ng MPD.
Kabilang sa mga nadakip ay ang 107 na indibidwal dahil sa iligal na sugal, 8 sa pagdadala ng baril at 68 sa pagtutulak ng iligal na droga.
Nasakote rin ng MPD ang 10 wanted person at 28 most wanted person sa lungsod.
Umaabot rin sa 171 na gramo ng shabu ang nakumpiska ng MPD na may street value na P1,170,000.00.
Ang mga naaresto ay kasalukuyan ng nakakulong sa kada himpilan ng MPD.
Ikinatuwa naman ni MPD Director Police Brig. Gen. Leo Francisco ang naging resulta ng tatlong araw na operasyon ng kaniyang mga tauhan.