Nasa higit 200 indibidwal ang nabakunahan sa Hospicio de San Jose sa lungsod ng Maynila ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Ito’y sa ikinasang vaccination driver ng health services ng Philippine Red Cross Manila Chapter kasama ang health allied volunteers.
Nasa 250 indibidwal na kinabibilangan ng mga bata at matatanda ang nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Bahagi ito ng Bakuna Bus Program ng Philippine Red Cross kung saan nag-iikot sila sa ilang lugar upang tumulong na mabigyan ng bakuna ang publiko.
Kasama rin naturukan ng bakuna ang mga empleyado ng Hospicio de San Jose para magkaroon rin ng proteksyon kontra COVID-19.
Ilan sa mga bakunang naiturok ay Moderna, AstraZeneca at Pfizer para sa mga nakakatamda at mga menor de edad na nasa 12 hanggang 17 taong gulang.