Higit 200 indibidwal, nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Maynila

Umaabot sa 232 indibidwal ang naitala ngayon ng Manila Health Department (MHD) na nadagdag sa bilang ng mga nakarekober sa COVID-19.

Sa datos ng MHD, nasa 83,303 na ngayon ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa buong lungsod ng Maynila.

Nasa 1,167 naman ang naitalang bilang ng aktibong kaso sa lungsod kung saan 238 sa kanila ang bagong kaso.


Umaabot na rin sa 1,605 ang bilang ng nasawi habang pumalo sa 86,075 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Base pa sa inilabas na datos ng MHD, ang distrito ng Sampaloc ang lugar sa Maynila na may mataas na naitalang bilang ng kaso na nasa 386.

Sumunod dito ang Tondo District 1 na may 137 na kaso, Sta. Cruz -92, San Andres – 91 at Tondo District 2 na may 82 na kaso.

Nasa 84 naman na barangay ang nasa ilalim ng granular lockdown kung saan 93 na lugar dito ang apektado.

Facebook Comments