
Umaabot sa 222 na pasahero, driver, at pahinante ang hindi nakabiyahe sa mga pantalan bunsod ng masamang lagay ng panahon.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 22 na pantalan sa buong bansa ang apektado kung saan pinakamarami sa Eastern Visayas na may 154 na pasahero, truck drivers, at helpers ang stranded.
Kabilang din sa mga may stranded na mga pasahero ay sa mga pantalan sa Southwestern Mindanao, Central Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas, at Bicol.
Bukod sa 77 na rolling carifes at 13 sasakyan pandagat, may 31 na vessels at 67 na motorbanca ang pansamantalang nakidaong sa ibang pantalan upang makaiwas sa epekto ng sama ng panahon.
Pinapayuhan ng PCG ang publiko na manatiling nakatutok sa mga anunsyo na inilalabas ng pamahalaan upang maging ligtas sa kanilang biyahe lalo na sa mga pantalan.









