Hired on the spot ang nasa 21 aplikanteng nakilahok at nagbakasali sa isinagawang malawakang Serbisyo Fair sa Mangaldan National High School nitong Miyerkules.
Nasa kabuuang 227 na job seekers ang nagpunta sa nasabing job fair kung saan karamihan ay mula sa Technical-Vocational-Livelihood (TVL) track.
Inaasahang makatutulong ang programa sa pagbibigay ng agarang oportunidad para sa mga senior high school graduates.
Pinangunahan ang programa ng Department of Education katuwang ang Department of Labor and Employment at Public Employment Service Office (PESO) Mangaldan, bilang bahagi ng nationwide simultaneous rollout ng Serbisyo Fair ng pambansang pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










