Higit 200 kasapi ng Anakpawis, tumiwalag sa CPP-NPA-NDF

Pormal nang pinutol ng 211 kasapi ng Anakpawis ang kanilang ugnayan sa CPP-NPA-NDF sa isinagawang disaffiliation ceremony sa Sitio Pyramid, Taytay, Rizal.

Ang seremonya ay pinangasiwaan ng Dolores Barangay Task Force to End Local Communist Armed Conflict Taytay, 80th Infantry “Sandiwa” Battalion ng Phil. Army, Rizal PNP at Taytay PNP.

Bilang bahagi ng seremonya, ang mga dating kasapi ng kilusang komunista ay nagtatag ng People’s organization  at nanumpa ng katapan sa pamahalaan, kasabay ng pagsunog sa bandila ng CPP-NPA-NDF.


Ayon sa militar, ang Anakpawis ay partylist ng marginalized sector ng manggagawa, mangingisda, urban at rural poor na nagsisilbing sectoral front ng CPP-NPA at electoral wing ng Kilusang Mayo Uno at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Facebook Comments