Higit 200 Katao sa Cagayan Valley, Tinamaan ng Coronavirus

31

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 na naitatala sa buong Rehiyon dos.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 as of June 7, 2021; mayroong 251 katao ang kinapitan ng virus; 433 bagong gumaling at siyam (9) na bagong namatay sa COVID-19.


Sumipa pa sa 4,346 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID sa rehiyon dahil sa mga naitatalang positibong kaso.

Gayunman, nakapagtala na ang rehiyon ng 40,977 total recovered cases.

Sa ngayon, umaabot na sa 46,540 ang kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 cases sa rehiyon na kung saan ang 1,204 rito ay binawian ng buhay.

Facebook Comments