Umabot sa higit 200 metric tons ng basura sa Manila North at South Cemeteries ang nakolekto ng mga awtoridad ngayong Undas 2023.
Ayon sa Manila Public Information Office, nasa 87 truckloads o 229 metric tons ng basura mula sa main public cemeteries ng siyudad ang nakolekta nila mula October 28 hanggang November 1.
Mas mataas ito kumpara sa nakolekta sa dalawang sementeryo noong nakaraang taon na nasa 62 truckloads o 148 metric ng basura.
Samantala, patuloy naman ang paglilinis ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Services (DPS) ng Manila City Hall sa naturang sementeryo.
Facebook Comments