Higit 200 na mga high powered fire arms ng pamilya Parojinog, isinuko sa Ozamis PNP

Manila, Philippines – Higit 200 na mga armas ang isinuko sa Ozamiz PNP na galing sa mga Parojinog.

Ayon kay Ozamiz City Police Chief Insp. Jovie Espenido, ito ay mula pa noong Hunyo at hanggang ngayo’y ay marami pa rin ang nagsusuko sa kanila ng mga high powered fire arms.

Sinabi rin ni Espinido na ang mga namatay na barangay peace keeping action team ay mga tauhan ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.


Aniya, hinahanda na rin nila ang panibagong kaso laban sa pamilya Parojinog.

Aniya, ito ay kung mapatutunayang itinago nila ang isang testigo sa isinagwang raid sa bahay ng ni Mayor Parojinog.

Facebook Comments