Inaasahan na makakapagtrabaho na ang aabot sa 225 unemployed na mga out of school youths sa Pangasinan na nagtapos mula sa programa ng JobStart Philippines sa ilalim ng Department of Labor and Employment.
Ang mga benepisyaryo, nagtapos sa sampung araw na Life Skills Training na isinagawa sa Dagupan City, Alaminos City, at Calasiao.
Tumanggap ang mga ito ng 4,200 pesos bilang sahod at inaasahang makatutulong sa mga pang-umpisang gastos sa paghahanap ng trabaho.
Ayon kay DOLE 1 Asst. Director Honorina Dian Baga, inaasahang makatutulong ang pagsasanay upang malinang ang kakayahan ng mga benepisyaryo para magkaroon sila ng trabaho.
Sa buong Ilocos Region, aabot naman sa 425 benepisyaryo ang nakapagtapos at nasa 93 pa ang sumasailalim sa pagsasanay.
Noong buwan ng Abril, pumalo naman sa higit dalawang milyong Pilipino ang walang trabaho. Ngunit, inaasahan na ang higit dalawan daang pangasinenseng nakapagtapos sa programa ay napapabilang sa higit limampung milyong katao sa bansa na mayroong trabaho. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









