Higit 200 pamilya, nawalan ng bahay dahil sa sunog sa Quezon City!

Manila, Philippines – Nasa 240 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos silang masunugan kahapon ng hapon sa Agham Road, Barangay Pag-Asa, Quezon City.

Nagsimula umano ang sunog sa napabayaang kalan na siya namang tumupok sa nasa 120 mga bahay.

Umabot naman sa P800,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.


Pansamantalang nanunuluyan sa ilang basketball court sa lugar ang mga biktima.

Facebook Comments