Nasa 209 pamilya o katumbas ng 629 indibidwal mula sa iba’t-ibang bayan ng La Union ang inilikas kasunod ng landslide at pagbaha dulot ng Bagyong Crising.
Ilan sa mga ito ang nananatili sa evacuation centers habang ilan naman ang pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kaanak.
Nabigyan naman ng kaukulang family food packs ang mga evacuees habang hindi pa pinapahintulutang makabalik sa kanilang mga tahanan.
Samantala, nanatili sa full alert ang buong lalawigan at tiniyak ang kahandaan ng mga mobile at personnels sa pagresponde sakaling magkaroon ng biglaang rescue at evacuation. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








