Tinambakan agad ng higit 200 panukalang batas ang Kamara kasabay ng unang araw ng trabaho ng mga Kongresista ng 18th Congress kahapon.
Karamihan sa mga House Bill ay re-filed o muling inihain dahil hindi nakapasa sa Committee Approval o sa ikalawa at ikatlong pagbasa noong 17th Congress.
Ang ibang panukala ay muling inihain kahit nakalusot sa mababang kapulungan pero hindi naaprubahan sa Senado.
Kabilang sa mga maagang naghain ng panukala ay sina Cebu Rep. Raul Del Mar, Albay Rep. Edcel Lagman, 1-Pacman Partylist Rep. Michael Romero, Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon.
Ang mga House Bill na muling inihain ay ang Freedom of Information, Actors Occupational Safety and Health Standards o ‘Eddie Garcia Law’, Human Rights Defenders Protection, at Absolute Divorce.