Higit 200 pasahero, nananatiling stranded sa mga pantalan sa Visayas, bilang ng mga pasahero sa ibang pantalan sa bansa, dumoble

Nananatili na lamang sa 244 ang bilang ng pasahero, driver at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan sa ilang bahagi ng Visayas.

Bukod dito, nasa 187 rolling cargoes din ang stranded partikular sa mga pantalan sa Eastern Visayas at Central Visayas.

Patuloy naman naka-monitor ang Philippine Cost Guard (PCG) sa mga lagay ng biyahe sa mga barko habang pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat.


Samantala, dumoble ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa mga pantalan sa ibang bahagi ng bansa.

Sa datos ng PCG, nasa 60,236 outbound passengers at 59,039 inbound passengers ang kanilang namonitor na bumiyahe.

Mas tumaas ang bilang nito kumpara kahapon na nasa 22,996 outbound passengers at 25,200 inbound passengers na naitala ng Coast Guard.

Kaugnay nito, nasa 782 vessels at 676 motorbancas ang nainspeksyon ng mga tauhan ng PCG sa 15 distrikto na sakop nito.

Facebook Comments