Hindi pa rin nakakabiyahe ang mahigit 200 pasahero sa ilang pantalan sa Visayas at Mindanao dahil sa Bagyong Kabayan.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), nasa 236 pa rin ang nananatili sa mga terminal dahil sa kawalan ng bumibyaheng mga barko.
Sa pantalan ng Bohol, may 31 pasahero ang hindi pa rin nakakaalis mula pa noong Lunes habang mayroon ding 31 na stranded sa Agusan Port Management Office.
Nasa 174 naman ang mga stranded na pasahero sa Port of Cagayan de Oro City.
Samantala, nakabiyahe na ang mga stranded na pasahero mula pa kahapon nang ibaba sa Low Pressure Area ang mino-monitor na bagyo.
Facebook Comments