Higit 200 patay sa serye ng pagsabog sa Sri Lanka

Pumalo na sa 207 ang nasawi habang hindi bababa sa 450 ang sugatan sa naganap na serye ng pagsabog sa Sri Lanka kasabay ng Easter Sunday kahapon.

Tatlong simbahan, apat na hotel at isang bahay ang pinasabog na itinuturing na pinakaunang major attack sa Indian Ocean Island mula nang magwakas ang civil war noong isang dekada.

Nasa pito na ang inaresto dahil pinaniniwalaang sila ay suicide bombers.


Idineklara na rin ng Sri Lankan government ang curfew sa Colombo at ipinagbawal ang access sa social media at messaging sites, kabilang ang Facebook at Whatsapp.

Wala pang umaako sa nangyaring pag-atake.

Nagpatawag na rin ng national security council si Sri Lankan Prime Minister Ranil Wickremensinghe at mariing kinondena ang pag-atake.

Ipinag-utos na rin ng President Maithripala Sirisena ang police special task force at militar na imbestigahan ang mga nasa likod ng pag-atake.

Facebook Comments