Higit 200 Pinoy health workers na ide-deploy sa Japan, nakatakda nang umalis ng bansa ngayong Hunyo

Nakatakda nang umalis ng bansa ang nasa 218 Filipino health workers na patungo sa Japan sa susunod na linggo.

Ang 17th batch ng JPEPA graduates ay binubuo ng 19 nurses at 199 care-workers sa ilalim ng Philippines-Japan Economic Partnership.

Pinangunahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kanilang send-off.

Sinabi ng direktor ng Japan Foundation Manila na si Ben Suzuki, na ang papel ng mga manggagawang Pilipino ay mahalaga hindi lamang para sa sektor ng pangangalagang pangkalusugan ng Japan kundi pati na rin sa lipunan nito.

Ang Philippine-Japan Economic Partnership na nilagdaan noong 2006, ay ang unang bilateral na free trade agreement ng Pilipinas at Japan at mula nang ipatupad ito noong 2009, may kabuuang 655 na nars at 3,760 na caregivers ang na-deploy sa Japan.

Facebook Comments