Higit 200 Pinoy health workers na naipit sa lockdown sa Pilipinas, makakabalik na sa kanilang trabaho sa Saudi Arabia

Nasa mahigit dalawang daan na mga OFW na karamihan nagtratrabaho sa mga ospital sa Saudi Arabia ang makabalik na sa kanilang trabaho matapos ma-stranded sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Pilipinas.

Ito ay matapos na mismong ang Saudi Arabia Health Minister ang nagsa-ayos ng flight ng Pinoy health workers pabalik ng Saudi.

Sa harap ito ng pagkakaroon na rin ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.


Kabilang sa mga makakasama sa flight pabalik ng Saudi Arabia ang OFW na si Wilson Quizon na isang Pharmacist sa Dammam Hospital.

Aniya, 20 araw lamang dapat ang kanyang bakasyon sa Pilipinas pero dahil sa lockdown ay hindi agad siya naka-alis ng Pilipinas para bumalik sa kanyang trabaho.

Ang OFW naman na si Raymund Selavia na isang nurse sa Saudi Arabia ay mas pinili niyang ipagpatuloy ang trabaho sa nasabing bansa dahil bukod aniya sa mas malaki ang kanilang sweldo doon, maganda ang health facilities.

Facebook Comments