Matagumpay na napamahagian ang mahigit dalawan-daang mga residente ng ikalima at ikaanim na distrito ng Pangasinan ng livelihood starter kits mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Naipamahagi ang naturang tulong matapos sumailalim ang mga ito sa loob ng 10 hanggang 20 araw na pagsasanay.
Sa isang panayam, sinabi ni TESDA Ilocos Regional Director Vincent Cifra na ang mga benepisyaryo ay bukod sa natanggap nilang mga kits na magagamit nila sa kanilang paghahanap-buhay ay binigyan din ang mga ito ng PHP160 daily allowance sa loob ng course period sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP) ng ahensya.
Ang mga kursong ibinigay sa mga ito ay Automotive Servicing NCI, Bread Making Leading to BPP NC II, Cookery NC II, Dressmaking NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, Raise Organic Small Ruminants Leading to OAP NCII, Service Underchassis Components Leading to AS NCII, Cake Making NC II, at Pastry Making NC II.
Ayon pa sa kanya, babantayan umano nila ang mga livelihood starters na ibinigay sa kanila sa pakikipagtulungan ng mga local government units at umaasa din sila na magagamit nila ito para gumanda ang kanilang buhay.
Nagpapasalamat ang mga benepisyaryo dahil napili umano sila ng ahensya upang mabigyan ng ganitong tulong. |ifmnews
Facebook Comments