CAUAYAN CITY— Tumanggap ng Longevity Cash Gift ang mga senior citizen sa Lungsod ng Santiago, bilang bahagi ng regular na programa ng lokal na pamahalaan.
Pinangunahan ni City Mayor Atty. Sheena Tan ang pamamahagi ng cash gift sa 240 senior citizens na may edad pitumput’ lima pataas at nakatira sa lungsod ng hindi bababa sa sampung taon. Ang programa ay bahagi ng suporta ng lokal na pamahalaan para sa mga senior citizens sa Santiago.
Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Santiago ang mga may katanungan hinggil sa proseso ng aplikasyon at mga kinakailangang dokumento na magtungo sa Office of the Senior Citizen Affairs para sa karagdagang impormasyon.
Facebook Comments