Higit 200 small rice retailers sa Metro Manila, nakatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaan

Aabot sa 232 small rice retailers sa Metro Manila ang nakatanggap ng P15,000 bawat isa.

Ito bilang tulong at suporta sa kanila bunsod ng pagpapatupad ngprice cap sa bigas sa buong bansa.

Sa pahayag ni Communications Secretary Cheloy Garafil, mayroong tig-48 mula sa Quezon City at Caloocan City habang 136 mula San Juan City, ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sinabi pa ni Garafil, malaki ang pasasalamat ng mga maliliit na rice retailers at traders kay Pangulong Marcos Jr. sa tulong pinansyal na ipinaabot nito kasabay ng pagbibigay suporta sa ipinapatupad na Executive Order No. 39.

Bukod dito, nakatanggap rin ang maliliit na rice traders ng pagsisiguro na tutulong sa kanila ang trade, agriculture at social welfare departments kasabay ng pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Aniya, patuloy na makikinig ang administrasyong Marcos sa mga pangamba ng micro retailers sa implementasyon ng mandated rice price ceilings.

Sa huli, ipinaliwanag ni Garafil na na-uunawaan ni Pangulong Marcos ang pinagdaraanan ng bawat malikiit na rice retailers sa panahon na ito kung saan makakaasa sila ng suporta mula sa gobyerno.

Facebook Comments