Umaabot na sa 223 communist terrorist group (CTG) members at 18 local terrorist group (LTG) members ang napatay ng pamahalaan kung saan daan-daang armas din ang narekober ng militar mula sa simula ng taon hanggang Pebrero 15, 2024.
Kasunod nito, pinapurihan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., ang mga tropa sa sunod-sunod na tagumpay laban sa mga teroristang komunista at LTG.
Partikular na kinilala ni Gen. Brawner ang 47th Infantry Battalion, 302nd Brigade, sa pagkakapatay ng lider ng CPP-NPA Bohol Party Committee at apat na iba pang terorista sa Bilar, Bohol, noong Biyernes.
Gayundin ang 44th Infantry Battalion sa pagkakapatay naman ng 18 miyembro ng Daulah islamiyah, kabilang ang umano’y mastermind sa Mindanao State University Bombing.
Aniya, hindi titigil ang gobyerno hangga’t hindi nauubos ang mga terorista upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.