Higit 200 toneladang campaign materials, nahakot ng MMDA

Umabot na sa 31 truck o katumbas ng 215 tonelada ng basura na election materials ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Francis Martinez, pinuno ng MMDA Sidewalk Clearing Operations and Metro Park Regreening Group, nangunguna sa mga lungsod na may pinakamaraming nahakot na election materials ang Quezon City, Manila, Caloocan, Parañaque, Makati, San Juan, Taguig at Pateros.

Habang ang lungsod ng Valenzuela ang may pinaka-kaunti.


Sabi ni Martinez, may ilang mga kumandidato at mga barangay kapitan naman na ang nagkusang mag-alis ng ibang campaign materials.

Kasabay nito, nanawagan naman si Martinez sa publiko na maaaring tumawag sa kanila ang mga nangangailangan ng tulong sa pag-aalis ng mga campaign materials lalo na yung mga nasa matataas na lugar.

Nabatid na ang mga nahahakot na campaign materials ay pansamantalang itinatambak sa ground level ng Santolan Flyover.

Facebook Comments