Higit 200 tsuper sa bansa, nagpositibo sa mandatory drug test ng PDEA

Higit 200 mga pampasaherong driver ang nagpositibo sa isinagawang mandatory drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buong bansa.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ito ay mula ng ipatupad ang Oplan Harabas noong Nobyembre 2018.

Sa tala ng PDEA, nasa labingwalong libong mga driver ang sumailalim sa kanilang Oplan Harabas katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.


Sabi pa ni Aquino, mula 2013 ay nasa higit 11,000 na mga drivers na ang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Facebook Comments