Aabot sa halos 2,500 na job vacancies ang alok ng Public Employment Service Office (PESO) ng Manila Local Government Unit para sa ikakasang Kalinga sa Maynila PESO Job Fair”.
Ginaganap ito sa De Pinedo Street sa San Andres, Bukid, Maynila kung saan nagsimula ito ng alas-8:00 ng umaga at magtatagal ng hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Partikular na iniimbitahan dito ay mga Manileño na high school graduates, college level, college at tech/voc graduates.
Bukod sa iba’t ibang serbisyo rin, ang ikakasa sa Kalinga sa Maynila kung saan magbebenipisyo rito ang mga residente ng Brgy. 796, 797 at 798 sa District 5 ng lungsod ng Maynila.
Katuwang ng PESO Manila ang Department of Labor and Employment – National Capital Region at DOLE NCR Manila Field Office.
Pinapayuhan naman ang lahat ng magtutungo sa job fair na:
1. Magsuot ng casual attire;
2. Magdala ng sampung (10) kopya ng resume; at
3. Magdala ng sariling ballpen.