Umabot sa higit dalawang libong deboto mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang dumagsa sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag noong weekend.
Lulan ng mga bus, nakasanayan nang bumyahe ng ilang deboto ang pagbisita sa mga malalaking simbahan sa iba’t-ibang panig ng bansa na tinatawag ding Visita Iglesia na isang pangunahing aktibidad tuwing Semana Santa.
Sa kabila ng libong bisita sa simbahan araw-araw, tinitiyak ng pamunuan ng Basilica ang matiwasay at taimtim na pagdaraos ng mga aktibidad.
Inaasahan pa ang pagdagsa ng mga deboto bago pa ang pagsisimula ng Holy Week.
Patuloy naman na pinaghahandaan ng simbahan at lokal na pamahalaan ang pagpapanatili ng peace and order sa buong bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









