Higit 2,000 estudyante, natulungan ng community learning hubs ng OVP

Higit 2,000 mag-aaral ang natulungan ng community learning hubs ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang taga-pagsalita ni Vice President Leni Robredo na mayroong kasalukuyang 12 community learning hubs sa Luzon at Visayas.

Paglilinaw ni Gutierrez, ang learning hubs ay hindi classrooms kung saan pisikal na pumapasok ang mga estudyante.


Ang learning hubs aniya ay lugar para sa mga estudyanteng nahihirapan sa distance learning lalo na kung kailangan na nilang magpasa ng kanilang online requirements.

Sinabi ni Gutierrez, libre ang access sa computers, gadgets, equipment, internet at tutors ang alok ng learning hubs.

Pagtitiyak niya na regular ang ginagawang disinfection sa mga learning hubs.

Gayumpaman, nagsasagawa na ng reassessment ang OVP kung itutuloy nila o hindi ang proyekto.

Facebook Comments