Higit 2,000 estudyante sa Metro Manila, balik face-to-face classes na simula ngayong araw

Nasa higit 2,000 pampublikong mag-aaral ng elementary at senior high shool sa Metro Manila ang magbabalik na sa face-to-face classes simula ngayong araw.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Education-NCR Regional Director Undersecretary Wilfredo Cabral na handang-handa na ang mga eskwelahan para sa pagsisimula ng klase sa kabila ng banta pa rin ng COVID-19.

Tiniyak din ni Cabral na mahigpit na ipatutupad ang health protocols at maaari itong ipatigil agad sakaling ibalik sa alert level 3 ang Metro Manila at magkaroon ng surge ng mga kaso.


Batay sa listahan ng DepEd, 28 na paaralan sa Metro Manila ang kabilang sa 177 na idinagdag sa pilot phase na nagsimula noong Nobyembre.

Kasunod nito, inaasahang madaragdagan pa aniya ang mga rehiyon na mag-iimplementa ng face-to-face classes lalo na’t patuloy na ang pagbaba ng mga COVID-19 cases.

Facebook Comments