Higit 2,000 indibidwal na apektado ng lindol sa Northern Luzon, pansamantala pa ring nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation center

Nananatili pa rin sa iba’t ibang evacuation center ang mga naapektuhan ng lindol sa Northern Luzon noong isang linggo.

Sa ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot pa sa 745 pamilya o katumbas ng 2,395 na indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation centers.

Ito’y mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region at Cagayan Valley.


Samantala, sa datos pa ng NDRRMC ay may 14,088 na pamilya o katumbas ng 48,843 na indibidwal naman ang nanunuluyan pansamantala sa kani-kanilang mga kamag-anak.

Nabatid na sa kabuuan, 30,285 na mga bahay ang nasira ng magnitude 7 na lindol na yumanig sa Northern Luzon.

Facebook Comments