Higit 2,000 indibidwal, nabakunahan ng Sputnik V

Umaabot na sa 2,634 ang mga nabakunahan ng 1st dose ng Sputnik V anti-COVID-19 vaccine na mula sa Russia.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje na ito ay base sa initial 15,000 trial orders ng Sputnik V.

Ayon kay Cabotaje, dinala ang mga bakuna sa Maynila, Makati, Paranaque, Muntinlupa at Taguig City.


2,100 dito ay naiturok sa mga residente ng Paranaque, 165 sa Maynila at 369 mula sa Makati.

Ngayong araw inaasahan naman ang roll out ng Sputnik V sa Taguig at Muntinlupa.

Inunang mapagkalooban ng Sputnik V ay ang mga nasa A1 o medical health workers, A2 o ang mga senior citizen at A3 o ang may mga comorbidities.

Una nang sinabi ni National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez sa mga alkalde ng lungsod dito sa Metro Manila na hindi nabigyan ng initial dose ng Sputnik V na huwag mag-alala dahil kapag bumuhos na ang suplay nito sa mga susunod na buwan ay lahat ng lungsod ay mabibigyan ng bakuna.

Batay sa evaluation ng Food and Drug Administration (FDA) nasa 91% ang bisa ng Sputnik V.

Facebook Comments