Higit 2,000 informal sector workers, magsisimula na sa kanilang trabaho ngayong araw sa ilalim ng emergency employment program ng DOLE

Magsisimula na ngayong araw sa trabaho ang higit 2,000 informal sector na nawalan ng trabaho dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa COVID-19.

Ayon kay DOLE-NCR Director Sara Buena Mirasol – sila ang unang batch ng mga manggagawang kwalipikado para sa Tulong Pangkabuhayan sa Displaced/ Underprivileged Workers o TUPAD Program ng kagawaran.

Sa ilalim ng tupad– i-di-disinfecting mga manggagawa ang kanilang kabahayan at mga nasa paligid nito, at bibigyan ng sahod base sa minimum wage sa rehiyon.


Bukod sa mga kagamitan sa paglilinis at protective equipment, makakakuha rin sila ng mga brochure tungkol sa safety at health practices.

Ilulunsad ang tupad program sa pandacan, Sta. Cruz, at Sta. Mesa sa Maynila, sa Barangay North Fairview, at nagkaisang nayon sa Quezon City, at iba pang barangay sa Navotas.

Nabatid na kabilang sa mga kwalipikadong benipisaryo ng tupad ang mga underemployed, self-employed at displaced marginalized workers.

Una nang sinabi ng DOLE na i-aalok ang employment program sa 16,000 informal sector workers.

Facebook Comments