Higit 2,000 karagdagang kaso ng COVID-19, naitala ng DOH sa buong bansa ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 2,103 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Dahil dito, nasa 27,318 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa habang nadagdagan naman ng 11,653 ang nakakarekober kaya’t sa kabuuan ay nasa 487,551 ang bilang.

Mayroon namang naitalang 80 na pumanaw kung saan umaabot na ang bilang nito sa 10,749 habang pumalo sa 525,618 ang kabuuang kaso ng virus sa bansa.


Umaabot rin sa 25, 848 ang sumalang sa pagsusuri at 1,545 sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.

Samantala, inihayag naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala silang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa mga Filipino na nasa ibang bansa.

Ayon pa sa datos ng DFA, nasa 13,690 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng virus ng mga Pinoy sa abroad, 950 ang bilang ng nasawi, at 8,919 ang bilang ng mga nakarekober.

Facebook Comments