Higit 2,000 Libong Drug Suspects, Napatay Sa Ilalim Ng Oplan Double Barrel Ng Pnp

38

MANILA – Umabot na sa 2, 157 ang bilang ng napapatay sa project double-barrel alpha ng Philippine National Police (PNP).Base ito sa tala ng PNP mula July 1 hanggang kaninang alas sais nang umaga mula sa mahigit 40-libong operasyon ng pulisya.Habang mahigit 42-libong sangkot sa droga ang naaresto.Sa panig naman ng mga otoridad, 21 pulis at tatlong sundalo na ang namatay sa mga operasyon kontra droga.Nasa 983, 232 naman ang bilang ng mga sumuko kung saan mahigit 908,000 rito ay drug user.Nasa higit limang milyong bahay na rin ang nabisita ng mga otoridad sa kanilang oplan tokhang.Ayon kay PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, naabot na nila ang 50 percent ng kanilang target sa tinatawag na drug personalitySa susunod na taon, target naman aniya ng pnp ang “internal cleansing” o paglilinis sa mga tiwaling pulis.

Facebook Comments