Pinalaya na ang higit sa 2,000 na bilanggo ng Myanmar Military Junta ilang buwan matapos ang coup d’ etat.
Karamihan dito ay mga nahuling mamamahayag, peace protesters at oposisyon na sumusuporta sa nahalal na lider ng bansa na si Aung San Suu Kyi.
Sa kabuuan, nasa 2,296 ang pinakawalan ng military kung saan karamihan sa kanila ay mga lumahok sa protesta pero hindi nasangkot sa mga karahasan.
Matatandaan nitong Pebrero 1 nang patalsikin ng Myanmar Military si Suu Kyi at kasalukuyan siyang nasa ilalim ng house arrest.
Facebook Comments