Higit 1,599 na pamilya, inilakas sa Quezon City dahil sa Bagyong Paeng

Umaabot sa 2,610 na pamilya sa Quezon City ang inilikas dahil sa epektong dulot ng Bagyong Paeng.

Sa datos ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, katumbas ito ng 10,012 na indibidwal mula sa limang distrito.

Nabatid na agad na inilikas ang mga pamilya mula sa mga piling lugar na bahain o may banta ng landslide bilang pag-iingat sa Bagyong Paeng.


Pinakaraming inilikas ay sa District 2 na nasa 1,599 na pamilya o nasa 6,120 na indibidwal.

Nananatili ang mga nasabing pamilya sa 20 evacuation centers na itinalaga sa District 2.

Maging ang mga pamilya na nakatira sa ilalim kasama ang mga nasa gilid ng mga tulay at estero ay mabilis na inilikas dahil na rin sa pagtaas ng baha.

Patuloy naman naka-alalay ang QC LGU sa mga pamilyang inilikas kung saan wala naman naitalang anumang casualty sa kanilang lungsod.

Facebook Comments