Aabot sa higit 2,700 pasahero ang nakatakdang bumiyahe ngayong araw sa Manila North Port.
Una nang naglayag kaninang alas-7:00 ng umaga ang MV Masikap na patungong Butuan at Cagayan De Oro na sa inisyal na impormasyon ay may sakay na 530 na pasahero.
Susundan ito ng MV St Francis Xavier na papuntang Coron at Puerto Princesa sa Palawan na nasa mahigit 1,535 ang bilang pasahero.
Alas-7:00 ng gabi naman bibiyahe ang MV Masinag sakay ang 690 pasahero papuntang Iloilo at Zamboanga.
Bagama’t fully booked na ang biyahe, inaasahan na madaragdagan pa ang mga pasahero dahil sa mga hahabol na susubukan makabili ng tiket ngayong umaga hanggang mamayang hapon.
Facebook Comments