Suspendido pa rin ang operasyon ng ilang pantalan sa bansa dahil sa epekto ng shear line at low pressure area.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, walang biyahe ang 29 na pantalan sa MIMAROPA, Regions 6, 10, 11 at CARAGA.
Dahil dito, stranded ang 1,723 mga pasahero.
Hindi rin muna pinapayagang makapaglayag ang 10 rolling cargoes.
Kasunod nito, nagpaalala ang NDRRMC sa mga may byahe sa barko na makipag-ugnayan muna sa pamunuan ng pantalan bago magtungo sa pier.
Facebook Comments