HIGIT 2,000 SASABAK SA LICENSURE EXAMINATION FOR CRIMINOLOGISTS SA REGION 1

Sasabak ang higit 2,000 na nagnanais na maging criminologist sa 2025 Licensure Examination sa darating na February 5, 6, at 7 sa buong Ilocos Region.

Sa nasabing bilang 1,529 ang kuha ng pagsusulit sa Pangasinan, 291 sa Ilocos Norte at 205 sa Ilocos Sur.

Isasagawa ito sa tatlong testing center na kinabibilangan ng Rosales National High School, Bayambang National High School, Mariano Marcos State University at Ilocos Sur Polytechnic State College.

Nakahanda ang Professional Regulation Commission Region 1 upang siguraduhing ang integridad ng eksaminasyon at seguridad ng mga kukuha ng pagsusulit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments