Posibleng pumalo na lamang sa 22,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 na maitatala sa bansa pagsapit ng Nobyembre 15.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na base sa projection ng FASSSTER, kung mapapanatili ang current mobility na sa ngayon ay nasa 82% at ma-maintain ang compliance ng publiko sa minimum public health standards at iyong detection to isolation ay nasa limang araw ay magkakaroon na lamang ng 22,000 active cases.
Pero kung hindi masu-sustain ang tagumpay na ating nararansan sa kasalukuyan at tuluyang magpapabaya ang publiko ay posibleng sumampa pa sa 52,393 ang maging active cases sa bansa.
Sa ngayon, ani Vergeire ay nasa 53,642 pa ang aktibong kaso sa bansa.
Kaya’t napakahalaga aniya ang patuloy na pagtalima sa health protocols lalo na ang pagpapabakuna.